PINURI si Arjo Atayde ng kanyang amang si Art Atayde nang gabing um-exit ang karakter niya bilang Joaquin Tuazon sa FPJ’s Ang Probinsyano sa Facebook account nito at pinasalamatan si Coco Martin at ang buong production team ng aksiyon-serye.
Ang photo na ipinost ni Papa Art ay kuha sa anak nang tumanggap ng Best Supporting Actor trophy sa katatapos na 2017 Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Box Office Entertainment Awards.
“Congratulations Arjo aka Joaquin Tuazon for portraying a great villain in Ang Probinsyano. You made us proud. Now that your role has ended, time to get a good rest and await a bright future ahead. Thank you to the Ang Probinsyano team and to Rodel Nacianceno aka Coco Martin. Much appreciated.”
Nag-post din ang kapatid ni Arjo na si Ria Atayde ng,“What a journey it has been. It has been a pleasure and an honor seeing you not only do well but even find ways to improve your craft. You know I’m always so proud of you @arjoatayde. Farewell, Joaquin, even I will miss you, #FPJAPBagongBuhay. PS: Iniwan mo ako sa ere, wala na akong ka-back-to-back, ‘wag ganu’n, broooo.”
Ka-back-to-back kasi ng Probinsyano ang My Dear Heart na isa si Ria sa main cast at parehong handog ng Dreamscape Entertainment ang mga ito and, of course, parehong namamayagpag sa ratings game sa primetime.
Pinasamatan naman ng man of the hour na si Arjo ang karakter niyang si Joaquin Tuazon na nagpakilala nang husto sa kanya at sa kahusayan niya bilang aktor.
“You will forever be a part of my life. I will miss you, Joaquin. You’ve done so much to me. I love you, Joaqs. Till we meet again #JoaquinTuazon#TeamPromdi FOREVER.”
Tinuldukan na ni Cardo Dalisay (Coco Martin) ang kasamaan ni Joaquin Tuazon sa FPJ’s Ang Probinsyano nitong Miyerkules ng gabi at nag-trending ito nationwide.
Isang saksak lang sa balikat ang ikinamatay ni Joaquin pero dahil hindi ipinakita kung nasaan ang bangkay ay may mga nagpustahang netizens kung patay na nga ba o kung buhay pa. Siguro ang mananalo, kung biglang lumitaw uli sa serye o tuluyan nang hindi mapanood hanggang sa pagtatapos ng Probinsyano.
Sa pagkawala ng karakter ni Arjo ay maraming kontrabida ang papalit sa iiwanan niyang espasyo sa sikat na teleserye.
Excited na ang mga manonood kung sinu-sino raw sa mga bagong pasok ang magiging main villain ni Cardo na tulad ni Joaquin.
‘Yan ang dapat abangan ng lahat sa Book 2 ng FPJ’s Ang Probinsyano. (REGGEE BONOAN)