Kapwa durog ang katawan ng magtiyuhin makaraang madaganan ng tumagilid na 20-wheeler trailer truck sa Antipolo City kahapon.

Inabot pa ng limang oras bago tuluyang naialis sa pagkakadagan ang mga bangkay nina Bobby Paminar, 36, at kanyang pamangkin na si Carl Christopher Paminar, 17, kapwa residente ng nasabing lugar.

Sa ulat ng Antipolo City Police, dakong 2:00 ng madaling araw nang aksidenteng tumagilid ang truck, minamaneho ni Jay Almeda, sa Ortigas Avenue Extension, Antipolo City.

Nagkataong bumibiyahe rin sa lugar ang mga biktima, sakay sa isang motorsiklo, nang mangyari ang aksidente at minalas na madaganan.

National

Dahil sa bagyong Gener: 19 lugar sa Luzon, Signal No. 1 pa rin

Hindi umano agad napansin ng mga rescuer na may mga taong nadaganan ng truck dahil sa dami ng scrap metals na nahulog mula rito.

Pagsapit ng 6:00 ng umaga, sinimulan ang clearing operations at bandang 7:00 na ng umaga na nang marekober ang bangkay ng mga biktima.

Habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa batid ang kinaroroonan ni Almeda na tumakas matapos ang aksidente.

(Mary Ann Santiago)