Switzerland Tennis Geneva Open

GENEVA (AP) — Mula sa pagiging finalist sa Monte Carlo Masters, patuloy ang pagdausdos ng career ni Albert Ramos-Vinolas nang mapatalsik sa second round ng Geneva Open nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila).

Nagapi ang third-seeded Spaniard ni ranked No. 85 Andrey Kuznetsov ng Russia, 7-5, 6-1.

Hirap sa kanyang kampany sa Tour si Ramos-Vinolas mula nang maitala ang matikas na panalo kontra top-ranked Andy Murray tungo sa Monte Carlo finals sa nakalipas na buwan. Natalo siya ni Rafael Nadal. Sa nakalipas na tatlong torneo, napatalsik siya ng mas mababang ranked na karibal.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Magaan naman ang pagusad ni top-seeded Stan Wawrinka nang mag-withdraw bunsod ng injury si Rogerio Dutra Silva ng Brazil may 37 minuto sa laro. Tangan ni Wawrinka ang 5-2 bentahe.

Makakaharap ni Wawrinka sa quarterfinals si sixth-seeded Sam Querrey ng United States, magaan din ang panalo kay 84th ranked Franko Skugor ng Croatia, 6-3, 6-2.

Wala pang isang oras ang kinailangan ni No.5 seed American, Steve Johnson kontra Horacio Zeballos ng Argentina 6-1, 6-3.

Naitala naman ni John Isner, may hawak ng record na pinakamahabang laro sa kasaysayan ng Wimbledon noong 2010, ang dalawang oras na laban tungo sa 6-4, 6-7 (5), 6-3 kabiguan kay Mischa Zverev ng Germany.