Ibinaba ng Social Security System (SSS) ang edad sa optional retirement ng mga minero o manggagawa sa minahan mula sa dating 55 taong gulang sa 50 anyos alinsunod sa Department of Labor and Employment (DOLE) Department Order (DO) No. 167 S-2016.

Ayon kay SSS President and Chief Executive Emmanuel F. Dooc, sa bagong polisiya ng SSS, binabaan ang optional retirement sa 50 taong gulang at compulsory retirement na 60 anyos para sa underground at surface mineworkers.

“Naiintindihan namin ang panganib ng kanilang trabaho at nais namin na masulit nila ang kanilang pinaghirapan nang mas maaga,” saad ni Dooc. (Jun Fabon)
Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony