BATANGAS CITY - Isang rehabilitation center ang planong itayo sa Batangas City.

Ang Life Transformation Sanctuary ay proyekto ng city government at ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na itatayo sa dalawang-ektaryang lupain ng pamahalaang lungsod sa Barangay Cumba.

Ayon kay Batangas City Rep. Marvey Mariño, sisimulan ang konstruksiyon ngayong taon at inaasahang nakahanda na ang programa nito bago matapos ang Disyembre.

Pinag-aaralan pa ng lungsod ang mga programang ilulunsad sa rehabilitation center katuwang ang Department of Health (DoH), at ang religious sector. (Lyka Manalo)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito