240517_NBI05_vicoy copy

Dinampot at pinosasan ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang Nigerian na umano’y sangkot sa online scam.

Kinilala ni NBI spokesperson Ferdinand Lavin ang suspek na si Joseph Kamano, na kilala rin umano sa mga alyas na Saiyd Barkat at Henry Soma.

Inaresto si Kamano sa entrapment operation ng Cyber Crime Division (CCD) ng NBI sa isang coffee shop sa Robinsons mall sa Malate, Maynila nitong Martes.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Natakdang dalhin sa Manila Prosecutor’s Office ang Nigerian, na nahuli sa aktong tumatanggap ng P240,000 cash mula sa kanyang biktima, upang isailalim sa inquest proceedings para sa kasong estafa sa ilalim ng Republic Act 315.

Sa ngayon, iniimbestigahan na ng NBI ang isang Mr. Baker na nagpakilalang American soldier.

Nag-ugat ang pag-aresto sa dayuhan matapos magreklamo ang isang babae na kinontak, umano ng isang Baker sa pamamagitan ng Facebook, at nagpakilala sa kanya kay Kamano.

Nakumbinse ang biktima na makisosyo sa negosyo nang bigyan siya ng $200 ni Kamano sa isang meeting sa Solaire at nagpakita ng litrato ng package na naglalaman ng $4 million cash na ipadadala sa kanya.

Nagpadala ang biktima, sa pamamagitan ng bank and money transfer, ng kabuuang P949,610 kay Kamano para sa iba’t ibang bayarin kabilang na ang sa Bureau of Customs (BoC), Bureau of Internal Revenue (BIR), attorney’s fees at delivery fees.

Gayunman, nagsimulang maghinala ang biktima at humingi ng tulong sa NBI makaraang humingi ang suspek ng P240,000.

(JEFFREY G. DAMICOG)