ALIAGA, Nueva Ecija - Hindi inaasahan ng isang pamilya na mauuwi sa trahedya ang masaya nilang outing makaraang malunod ang 28-anyos na lalaking kaanak nila habang naglulunoy sa karagatang sakop ng San Fabian, Pangasinan, nitong Martes.
Kinilala ang nalunod na si Angelo Ayroso, 28, ng Bgy. Poblacion, Aliaga, Nueva Ecija.
Nabatid na nagtungo ang pamilya Ayroso sa San Fabian Beach para ipagdiwang ang kaarawan ng isa nilang kamag-anak, hanggang sa makita na lamang si Angelo na palutang-lutang sa dagat.
Napag-alaman na nakainom ng alak ang biktima bago nag-swimming.
Gayunman, sinisilip din ang posibilidad na inatake ng sakit sa puso si Angelo kaya nalunod ito. (Light A. Nolasco)