Nais ng mga mambabatas na pagbawalan ang mga retirado at aktibong militar at pulis, kabilang ang mga opisyal na humawak ng puwesto sa gobyerno.

Pinangunahan kahapon ni Gabriela Women’s Party (GWP) Reps. Emmi de Jesus at Arlene Brosas ang paghahain ng House Bill 5712 na naglalayong pagbawalan ang lahat ng militar at pulis na italaga sa mga civilian position.

“The line between civilian authority and the armed forces has been further blurred with President Duterte’s appointment of over a dozen military men to key government posts. This should be stopped and civilian rule must be upheld, especially amid the declaration of martial rule in Mindanao,” ani De Jesus.

Nakasaad sa HB 5712 na disqualified ang lahat ng military at police officer at personnel na maitalaga bilang secretary, undersecretary, pinuno o miyembro ng governing bodies ng government-owned or controlled corporations at mga ahensiya o iba pang katumbas na posisyon. Sakop ng pagbabawal maging ang mga militar o pulis na umalis na sa serbisyo, kabilang ang mga nagretiro.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kasama nina De Jesus at Brosas sa paghahain ng panukala ang mga kapwa Makabayan solon na sina Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, ACT Teachers Rep. Antonio Tinio and France Castro; Anakpawis Rep. Ariel Casilao at Kabataan Rep. Sarah Jane Elago; at JL Burgos, kapatid ng nawawalang aktibistang si Jonas Burgos na ang pagdukot ay iniugnay kay AFP chief Lt. Gen. Eduardo Año. (Charissa Luci-Atienza)