CALASIAO, Pangasinan - Isinugod sa ospital ang manager ng isang restaurant matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Barangay Poblacion sa Calasiao, Pangasinan.

Kinilala ni Supt. Charlie Umayam ang biktima na si Benjamin Cabugao, 53, may-ari at manager ng Broadway Kambingan, na inoobserbahan pa sa pagamutan habang isinusulat ang balitang ito.

Dakong 11:00 ng umaga kahapon nang mangyari ang pamamaril sa Bgy. Poblacion sa Calasiao. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Lasing, ginulpi ng lalaking kinumpronta; patay!