NUREMBERG, Germany (AP) — Naunsiyami ang pagdiriwang ng home crowd nang mag-withdraw ang lokal favorite na si Laura Siegemund sa second-round, habang umusad sina top-seeded Kiki Bertens at Yulia Putintseva sa Nuremberg Cup nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila).

Nagtamo ang fourth-seeded na si Siegemund ng pinsala sa kanang tuhod laban kay Barbora Krejcikova ng Czech Republic sa iskor na 5-5 sa second set. Nakuha niya ang 6-4 panalo sa first set.

Ayon kay Germany’s Fed Cup captain Barbara Rittner, nalagutan ng ligament si Siegemund, sapat para hindi na makalaro sa gaganaping French Open sa susunod na linggo.

Ginapi ng defending champion na si Bertens si Annika Beck ng Germany, 7-5, 6-2, habang nanaig si Putintseva, ang No. 2 seed, kay Yanina Wickmayer ng Belgium, 6-4, 6-0.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Sunod na makakaharap ni Bertens si fifth-seeded Alison Riske ng United States, habang mapapalaban si Putintseva kay Sorana Cirstea ng Romania.

Nanaig din si Japan’s Misaki Doi kontra Oceane Dodin ng France 3-6, 6-0, 6-3 para maisaayos ang quarterfinal kay seventh-seeded Yaroslava Shvedova, nagwagi kay Tatjana Maria ng Germany, 6-2, 6-4.

Tanging si Carina Witthoeft ang natirang German sa main draw nang magwagi sa kababayang si Julia Goerges, 6-1, 7-5.