100517_PBA-STARvsTNT_08_riodeluvio copy

Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

4:15 n.h. – NLEX vs Alaska

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

6:30 n.h. – Star vs Meralco

UNAHAN sa solong liderato ang Star Hotshots at Meralco Bolts sa kanilang pagtutuos sa tampok na laro ngayon sa pagpapatuloy ng aksiyon sa 2017 OPPO-PBA Commissioners Cup sa Araneta Coliseum.

Kasalukuyang magkasalo sa pangunguna hawak ang parehas na barahang 7-2, magkakasubukan ang Hotshots at Bolts ganap na 6:30 ng gabi matapos ang sagupaan ng NLEX at Alaska ganap na 4:15 ng hapon.

Magkataliwas ng kapalaran sa huli nilang laban may dalawang linggo na ang nakakaraan, magtatangka ang Hotshots na palawigin ang naitalang three-game winning streak, habang magtatangka namang makabalik sa winning track ang Bolts kasunod ng natamong 86-94 na kabiguan sa Globalport noong Mayo 10.

Matinding bakbakan ang inaasahan sa pagitan ng dalawang koponang kapwa naghahangad na makapuwesto sa top two papasok ng playoff round.

Sasandigan ng Star ang bagong import na si Ricardo Ratliffe para sa target na ikaapat na dikit na panalo habang sigurado namang mangunguna si import Alex Stephenson sa pagbangon ng Meralco.

Mauuna rito, target ng NLEX ang napakailap na unang panalo sa pagtutuos nila ng Alaska na tangka namang sumalo sa Rain or Shine sa ikaapat na puwesto.

Tulad ng Meralco, magtatangka ring makabalik ang Aces sa winner’s circle kasunod ng nalasap na kabiguan sa kamay ng Talk N Text sa nakaraan nilang laro noong Sabado sa Legazpi City.

Sa pagkakataong ito, inaasahan ng maglalaro para sa Aces si Gilas standout Calvin Abueva na hindi nila nakasama sa Bicol sa nakalipas nilang laro. (Marivic Awitan)