Nalagutan ng hininga ang isang lalaki makaraang makuryente habang nagkakabit ng jumper o ilegal na koneksiyon ng kuryente sa Port Area, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Nasaksihan pa umano ng mga kamag-anak ng biktimang si Randy Lavapie, 32, ang kanyang pagkamatay sa poste ng kuryente, malapit sa kanyang tahanan sa Barangay 650, Zone 68.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District-Crimes Against Persons Investigation Section (MPD-CAPIS), agad nasawi si Lavapie nang hindi siya naibaba agad mula sa poste at kinailangan pa ng tulong ng mga tauhan ng power distributor.

Lumilitaw na dakong 2:00 ng madaling araw, umakyat si Lavapie sa poste ng kuryente upang magkabit ng jumper, ngunit siya ay napadikit sa live wire at tuluyang nangisay. (Mary Ann Santiago)

Probinsya

Lalaking nambuhos ng mainit na kape sa jowa, sugatan matapos tagain at gantihan