PADRE GARCIA, Batangas - Patay ang isang 60-anyos na mekaniko matapos pagbabarilin habang namimili sa palengke kasama ang kanyang misis sa Padre Garcia, Batangas.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 9:55 ng umaga nitong Linggo, namimili si Pedro Aguila, taga-Lipa City, sa Padre Garcia Public Market sa Barangay Poblacion nang barilin ito sa ulo.

Kaagad tumakas ang suspek sakay sa motorsiklo habang isinugod naman sa NL Villa Memorial Medical Center sa Lipa City si Aguila subalit binawian din ng buhay.

Nakarekober ang mga pulis ng isang basyo ng bala ng .45 caliber sa lugar ng krimen, habang away sa lupa ang sinisilip na motibo sa krimen. (Lyka Manalo)

Probinsya

74-anyos na lolang hinabol ang alagang pusa, patay matapos mabangga