KINUKULIT ako ng mga kaibigang texters: “Hindi ba kinakaibigan ni President Rodrigo Roa Duterte si Chinese Pres. Xi Jinping? Eh, bakit nagbabanta ito ng pakikidigma kapag ipinilit ng Pilipinas na angkinin ang mga shoal at reef sa West Philippine-South China Sea (WPS-SCS) na saklaw ng bansa?”

Inihayag ni PRRD sa 33rd National Convention ng Phil. Coast Guard sa SMX Convention Center, SM Lanang Premier, Davao City, na kinausap niya ang pangulo ng may 1.3 bilyong populasyong bansa nang siya’y dumalo sa Belt and Road Summit sa Beijing. Ipinaalam niya kay Xi ang desisyon ng UN-backed Arbitral Court hinggil sa pagbasura nito sa claims o pag-angkin ng China sa halos kabuuan ng WPS-SCS, kabilang ang mga shoal at reef na saklaw ng ‘Pinas.

Ang tugon daw ni Pres. Xi kay Mano Digong ay ganito: “Kung ipipilit ng Pilipinas ang usapin ng pag-angkin (sa WPS), makikipaggiyera ang China.” Iginiit daw niya kay Xi na “It’s ours and we intend to drill out there. Wala nang palaboy-laboy pa (paliguy-ligoy ang tama), kung sa palagay ninyo ay inyo iyan, iyan ay opinyon ninyo. But my view is that I can drill the oil because it is ours.” Mabilis daw ang sagot ng mga opisyal ng China na itinuturing nilang teritoryo ang WP-SCS.

Idinagdag pa raw: “Magkaibigan tayo at ayaw naming makipag-away sa inyo at nais naming panatlihin ang mainit na relasyon ngayon.” Ganito raw ang banta ni Xi: “But if you force the issue, we go to war.” Sinabihan niya si Xi na atin ang teritoryo (Panatag Shoal at Kagitingan Reef) at maghuhukay ang ‘Pinas doon para humanap langis. Maliwanag na tinatakot ni kaibigang Xi si PDu30 dahil alam n’yang takot ang lider ng ‘Pinas sa China.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Nagbanta ang Pangulo sa mga kasapi ng Kadamay na sila ay baka mabaril kapag ipinilit na okupahan ang iba pang gov’t housing units na nakalaan sa iba pang benipesyaryo. Inisyu niya ang warning dahil sa concerns ng ilang sektor sa pagiging bold ng Kadamay na basta okupahan ang mga pabahay.

Kung susuriing mabuti, kasalanan din ni Digong ang pagiging matapang ng mga Kadamay dahil noon ay sinabihan niyang puwedeng okupahan ang mga bakanteng pabahay na para sa mga kawal at pulis. Maging ang National Democratic Front (NDF) ay nagde-demand ngayon na bigyan ng libreng lupa ang mga magsasaka bilang bahagi ng peace talks.

Ang pagkakaloob ng libreng lupaing sakahin ay kabilang sa hinihingi ng NDF sapul nang magsimula ang usapang-pangkapayapaan. Samantala, patuloy ang pananambang at pagpatay ng New People’s Army sa mga kawal at pulis sa iba’t ibang parte ng bansa. May renda pa ba sina Joma Sison, Luis Jalandoni, at Fidel Agcaoli sa mga tauhan ng NPA?

(Bert de Guzman)