ADDIS ABABA, Ethiopia (AP) — Bilang aksiyon sa pagtuligsa ng world sports community sa mahinang anti-doping program, nagsagawa ng ‘mass doping test’ ang Ethiopia.

Ayon kay Mekonnen Yidersal, director general ng Ethiopian National Anti-Doping Office, sumailalim sa drug test ang kabuuang 350 miyembro ng national team.

Kabilang sa sinuri ang 339 atleta mula sa track and field.

Isinagawa ang doping test bago ganapin ang national athletics championships sa kapitolyo ng Addis Ababa.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sumailalim din sa pagsusuri ang limang Paralympic athletes, 10 cyclists, at limang boxers. Inaasahang lalabas ang resulta ng pagsusuri sa loob ng 10 araw.

Nauna rito, inatasan ng World Anti-Doping Agency (WADA) ang Ethiopia na pagibayuhin ang doping test upang hindi matulad sa kapit-bahay na Kenya, na nabalutan ng pagdududa ang mga tagumpay ng kanilang marathon champion.

“I can generally say that it was successful,” sambit ni Mekonnen. “We have surpassed the planned target regarding the number of athletes tested.”