BRASILIA (REUTERS) – Sinabi ni Brazilian President Michel Temer, nahaharap sa panawagang magbitiw kaugnay sa corruption scandal, na hindi siya bababa sa puwesto kahit na pormal na siyang kinasuhan sa Supreme Court.

“I will not resign. Oust me if you want, but if I stepped down, I would be admitting guilt,” giit ni Temer sa Folha de S.Paulo, ang pinakamalaking pahayagan sa Brazil, sa panayam na inilathala nitong Lunes.

Nagulantang ang mga Brazilian nitong nakaraang linggo sa paglutang ng isang recording na tila nagpapahiwatig na kinukunsinti ni Temer ang panunuhol ng isang negosyante para patahimikin ang isang nakakulong na mambabatas.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'