KALIBO, Aklan - Isang anak ng beteranong broadcaster sa Aklan ang natagpuan ng mga awtoridad na wala nang buhay at naaagnas sa loob ng bahay nito sa Barangay Bulwang sa Numancia, Aklan.
Kinilala ng awtoridad ang biktimang si Benedict Torre, 30, anak ng beteranong broadcaster at radio commentator na si Ebenezzer “Ben” Torre. Sr.
Ayon sa Numancia Police, binisita ng isang kapitbahay ang biktima kaya nadiskubre itong naaagnas na.
Sinabi naman ni Senior Insp. Ulyses Ortiz, hepe ng Numancia Police, na tinatayang nasa tatlong araw nang patay ang biktima bago ito nadiskubre.
Inaalam na ng Scene of the Crime Operations (SOCO) ang dahilan ng pagkasawi ng nakababatang Torre. (Jun N. Aguirre)