“SINAG, mahal na mahal kita. At ang sakit sakit na hindi p’wede. Pero handa kitang ipaglaban, kahit saan, kahit kanino.”
Ito ang linyang ikinadurog ng puso ng mga tagasubaybay ng Destined To Be Yours dahil napaka-bittersweet ng pagkaka-deliver ni Alden Richards.
Umiral na naman ang pagkaiyakin nito at ramdam na ramdam ang tagos sa pusong mga linyang binitawan niya para kay Maine Mendoza sa serye.
Garalgal ang boses at parang hindi pa masabi ni Alden kay Maine ang kanyang linya. Ibinuhos na rin ni Sinag ang damdamin niya kay Benjie kaya talagang nagwala ang AlDub Nation.
Luhbang madamdamin ng naturang episode pero umaasa ang madla na sa happy ending pa rin tutungo sina Sinag at Benjie.
Pakatutukan ang natitirang episodes ng primetime soap, pagkatapos ng Mulawin vs Ravena.