CAMP V. LIM, Laguna – Iniulat ng pulisya ang pagpuga ng anim na bilanggo mula sa San Pedro City Detention Cell sa Laguna, kahapon ng madaling araw.

Sa police report, kinilala ang mga puganteng sina Benjo G. Lopena, Mark Joseph A. Varias, Jordan I. Mahusay, Ed Nino Edwardo H. Lozada, Rey Rodrigo Erenia, at Arvin B. Lizarda.

Ayon sa report, nilagari ng mga bilanggo ang bakal na selda, na huli na nang madiskubre ng duty jailer na si PO2 Jovencio Piodo at ng duty desk officer na si PO3 Crisman Manabat.

Nahaharap sa mga kaso ng droga sina Gayod, Lozada, Lizarda, Mahusay at Varias. Illegal possession of firearms at bladed weapon naman ang kaso ni Erenia.

Probinsya

13-anyos na babae na hinihinalang ginahasa, natagpuang patay sa altar ng chapel

Nagsasagawa na ang imbestigasyon ang Laguna Police Provincial Office habang sinimulan na rin ang pagtugis sa mga pugante.

Binigyan ni Police Regional Office (PRO) 4A director Chief Supt. Ma. O Aplasca ng 24 oras si Supt. Harold Depositar, hepe ng San Pedro City Police, at ang mga duty guard, upang muling dakpin ang anim na pumuga at kung hindi ay sisibakin sila sa puwesto. (Danny J. Estacio)