Hinikayat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang publiko na ipadala sa ahensiya ang mga kuha nilang video footage ng mga driver na lumabag sa ipinatutupad na Anti-Distracted Driving Act Law (ADDA).
Ayon kay MMDA supervising operation officer Bong Nebrija, bukod sa panghuhuli ng kanilang mga tauhan “on-the-ground”, ipinatutupad rin nila ang “non-contact apprehension” para sa naturang batas.
Aniya, bagamat may “high-definition cameras” ang MMDA, hindi lahat ng sasakyan ay nakukunan ng video kaya kailangan ang tulong ng publiko.
Maaaring ipadala ang mga video sa social media accounts ng MMDA o sa MMDA Metrobase, upang matukoy ang operator at driver ng lumabag na sasakyan.
Samantala, iminungkahi ng Senador JV Ejercito na itigil muna ng Department of Transportation (DoTr) at ng Land Transportation Office (LTO) ang ipinatutupad na ADDA.
“Looks like their officials (DoTr) did not understand the essence of the Anti-Distracted Driving Act. They have made matters complicated, when it is basically just about banning the use of cellphones while driving,” ayon kay Ejercito.
“It is counter-intuitive when using Waze or other navigation apps since the use of cell phone is less dangerous if it is within the line of sight. Every second that the driver’s eyes are on,” dagdag ni Ejercito. “We rarely hear of road accidents that result from the use of navigational apps. Definitely, texting and tinkering with a mobile phone while driving is a no-no. But when it is used as a navigational aid and it is properly placed, it is okay.”
Nais naman ni Senador Grace Poe na imbestigahan ang nabanggit na kautusan na, aniya, ay nagdudulot lamang ng gulo sa hanay ng mga tsuper. (Bella Gamotea at Leonel Abasola)