Hinimok ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon ang publiko na aktibong makilahok sa pagbabago ng Bureau of Customs (BOC) sa pamamagitan ng pagsusumbong sa mga tiwaling opisyal at empleyado.

Inulit ng Customs Commissioner na magkakaloob ang kagawaran ng pabuya sa informer o whistleblower na mag-uulat ng anumang uri ng pangungurakot o smuggling.

“If you have information about smuggling within and outside the bureau, let us know immediately. Sec. 1512 of the CMTA (Customs Modernization and Tariff Act) gives monetary rewards to those who will help us succeed in this campaign,” ani Faeldon.

Ayon sa BOC, kapag ang kabuuang halaga ng actual proceed ay P10 milyon, ang pabuya ay P2 milyon.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

(Betheena Kae Unite)