Kahit may bagong kapareha, patuloy pa rin sa kanyang pagri -reyna sa sandcourt ni Cherry Rondina.

Ipinareha sa unang pagkakataon sa baguhang si Jinggay Bangag, pinangunahan ni Rondina ang University of Santo Tomas sa 21-12, 21-14 paggapi sa San Beda College pair nina Ella at Isa Viray para maangkin ang titulo sa Women’s Collegiate Division ng Beach Volleyball Republic on Tour noong nakaraang Linggo sa Currimao, Ilocos Norte.

Si Rondina, ang reigning UAAP champion katambal si Jem Gutierrez ay nagwagi ng kanyang ikalawang beach volleyball title sa loob ng nakalipas na tatlong linggo upang patibayin ang kanyang estado bilang isa sa pinakamahusay na beach volleyball player ng bansa.

Ang nasabing panalo ang sumelyo din sa five-match sweep ng UST sa torneo..

Carlos Yulo, Aira Villegas at Nesthy Petecio, natanggap na house and lot incentives!

Sa kalalakihan, tinalo naman nina Mohd Aizzzat Zokri at Raja Nazmi Hussin ng Malaysia ang Far Eastern University’ tandem nina Jeremiah Barrica at Kevin Hadlocon, 21-14, 21-18, para makamit ang titulo. (Marivic Awitan)