Pinaigting ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pagbabantay upang mapangalagaan ang karagatan sa Romblon.

Ayon kay Luisito Manes, provincial fishery officer ng BFAR-Romblon, para sa nasabing layunin ay bumuo sila ng provincial law enforcement coordination committee on fishing and marine environmental protection.

Ito ay upang mapigilan ang mga ilegal na aktibidad, tulad ng trawl fishing, pamumutol sa bakawan, paggamit ng dinamita at compressor at iba pang uri ng mapanirang paraan ng pangingisda.

Isusulong din ng BFAR, katuwang ang pulisya at Bantay Dagat, ang sea patrol operations laban sa mga lumalabag sa nasabing ordinansa. (Jun Fabon)
Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!