Tuluyan nang sinibak sa serbisyo si dating Philippine National Police chief Alan Purisima matapos pagtibayin ng Court of Appeals ang dismissal order ng Office of the Ombudsman laban sa kanya.

Sa 37-pahinang desisyon na may petsang May 12, 2017 at inilabas ng Special 16th Division sa pamamagitian ni Associate Justice Ramon Cruz, ibinasura ng CA ang petition for review ni Purisima sa kasong grave abuse of authority, grave misconduct, at serious dishonesty kaugnay sa maanomalyang kasunduan sa WERFAST Documentary Agency.

Kasamang pinasibak ng Ombudsman sina Chief Supt. Raul Petrasanta, dating police chief ng Central Luzon; Chief Supt. Napoleon Estilles; Sr. Supt. Allan Parreño; Sr. Supt. Eduardo Acierto; Sr. Supt. Melchor Reyes; Supt. Lenbell Fabia; Chief Insp. Sonia Calixto; Chief Insp. Nelson Bautista; Chief Inspt. Ricardo Zapata Jr.; at Sr. Inspt. Ford Tuazon.

(Beth Camia)
Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji