Nasawi ang isang principal ng isang paaralang elementarya matapos makuryente habang nagsasagawa ng Brigada Eskuwela sa Agusan del Sur, nitong Sabado.

Sa imbestigasyon ng San Francisco Municipal Police, kinilala ang biktimang si Josie Dela Cruz, 60, principal ng Ormaca Elementary School sa Barangay Ormaca, San Francisco, Agusan del Sur.

Ayon sa report ni Chief Insp. Zandro Santillan, hepe ng San Francisco Police, naglilinis ang principal sa nabanggit na eskuwelahan nang napagkamalan nitong basura ang isang electric wire, na pinulot nito ngunit nakuryente.

Hindi na umabot nang buhay sa ospital si Dela Cruz. (Fer Taboy)

Probinsya

74-anyos na lolang hinabol ang alagang pusa, patay matapos mabangga