Nagbabala kahapon ang isang lider ng Kamara sa dalawang kompanya ng eroplano na posibleng rerepasuhin ang mga prangkisa na ipinagkaloob ng Kongreso, kapag nabigo ang mga ito na tugunan ang mga reklamo hinggil sa mahal na pasahe at pagkaantala ng mga biyahe.

Sinabi ni House Majority Leader Rodolfo C. Fariñas (1st District, Ilocos Norte) na naranasan na rin niya na maantala ang biyahe sa Philippine Airlines (PAL) at Cebu Pacific.

“Every week kliyente niyo kami, at ang downtime ko sa PAL siguro weekly nasasayang mga minimum of two to five hours.

Tell your corporate bosses that I will review your franchise. We can amend your franchise anytime. You make a killing, and we are at your mercy. Pinagsasamantalahan ninyo ang riding public,” galit na sabi ni Fariñas.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Nagbabala si Fariñas at iba pang kongresista sa pagdinig ng House Committee on Transportation na pinamumunuan ni Catanduanes Rep. Cesar V. Sarmiento. (Bert De Guzman)