Liza copy copy

ANG lakas talaga ng appeal ni Liza Soberano sa mga teenager, siya lang ang nag-iisang crush ng mga estudyante ng La Salle Greenhills both elementary and high school.

Yes, Bossing DMB, hindi na namin babanggitin kung sino itong magulang na may anak na nag-aaral sa nasabing eskuwelahan na bukambibig daw ng mga estudyante kapag tinatanong kung sino ang crush nila at ang magandang aktres ang binabanggit.

‘Di sinasadyang nagkita kami sa isang event ng ate ng dalawang kilalang aktres cum singer na may anak na nag-aaral sa La Salle Greenhills at tinanong kami kung naiinterbyu namin si Liza at kung ano ang ugali nito.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

“Reggs, nakakausap mo ba si Liza? How is she? Mabait ba talaga? Kasi ‘tong anak kong si _____, buong araw walang binanggit kundi pangalan ni Liza kasi nakita raw nila sa event sa mall at hayun, puro Liza, Liza na ang binabanggit.

“Kesyo, ‘Ma, ang ganda-ganda talaga ni Liza, ‘Ma, I really like her. All the boys in school likes her, they’re all in love with her,” natatawang kuwento sa amin.

Dagdag pang tanong, “Sila ba talaga ni Enrique (Gil)? Ang ganda ng mukha, ‘no, perfect.”

Sumang-ayon naman kami na talagang maganda si Liza at higit sa lahat, mabait at responsable sa magulang at mga kapatid.

“Sabi ko nga sa anak ko kung gusto niyang laging makita si Liza, mag-artista siya, eh, ayaw naman, mahiyain,” masayang sabi pa ng ate ng dalawang aktres.

May itsura ang bagets na pamangkin ng dalawang aktres, papayagan ba siyang mag-artista kung sakali?

“Bahala sila kung ano ang gusto nila, pero mukhang ayaw niya, ‘yung bunso siguro, baka, kasi kanta nang kanta, mahilig i-video ang sarili, parang ‘yung anak din ni ______ (sister niyang aktres), di ba, kanta rin nang kanta, mana sa mama niya.”

Actually, Bossing DMB, hindi lang sa bagets o teenagers malakas ang dating ni Liza, maging sa yuppies at matured men, sa madaling salita, all ages at all sexes pa. (REGGEE BONOAN)