ARIES [Mar 21 - Apr 19]
Kailangan mong maging matatag this week. Uulan ng challenges—na kakayanin mong lahat.
TAURUS [Apr 20 - May 20]
Bibigyan ka ni Loves ng isang very unforgettable gift. ‘Di naman sana heartache ‘yan.
GEMINI [May 21 - Jun 21]
Magulo ang isip mo today. Sangkatutak ang ideas na dapat mong i-weigh.
CANCER [Jun 22 - Jul 22]
Marami kang oras today para sa sarili. It’s rare, so enjoy this day.
LEO [Jul 23 - Aug 22]
Tatambakan ka ng trabaho today, pero keri lang. Sabi mo pa: Bring it on!
VIRGO [Aug 23 - Sep 22]
May malaking realization ka today. Sana makatulong ito para sa kinakailangang improvements.
LIBRA [Sep 23 - Oct 22]
Busy ka sa daydreaming today. ‘Wag mong gawing career, please lang.
SCORPIO [Oct 23 - Nov 21]
Mag-uunahan ang mga gustong magpa-book sa busy mong i-schedule. Tell them, bawal sumingit sa pila.
SAGITTARIUS [Nov 22 - Dec 21]
Feel mo nang sagutin siya. In love ka naman talaga, tama na ang pagde-deny.
CAPRICORN [Dec 22 - Jan 19]
Isang bonggang idea ang ilalatag sa ‘yo for your scrutiny. Make sure na nag-focus ka bago magdesisyon.
AQUARIUS [Jan 20 - Feb 18]
Maghapon kang sasagot sa napakaraming email, messages at text. Pagod na pagod ka na mamayang gabi.
PISCES [Feb 19 - Mar 20]
Biglang taba ang wallet mo today. Daan ka mamaya sa church para magpasalamat.