Bago lumipad patungong Russia, nilagdaan na ni Pangulong Duterte ang isang executive order para sa pormal na pagpapalit sa pangalan ng Benham Rise, na tatawagin nang Philippine Rise.

Inilabas sa media ang Executive Order No. 25 na pirmado na ni Duterte, na babago sa pangalan ng Benham Rise.

Nakasaad sa EO na simula ngayon, ang Benham Rise na kilala sa local at international maps at charts, ay tatawagin nang Philippine Rise.

Una nang inihayag ni Pangulong Duterte ang kanyang planong pagpapalit sa pangalan ng Benham Rise.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Ito ay nagsimula nang mapabalita na may mga Chinese vessel na naglalayag sa naturang underwater geographic feature.

Nabatid na alinsunod sa determinasyon ng Commission on the Limits of the Continental Shelf ng United National Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), ang Benham Rise ay bahagi ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Ang Benham Rise ay matatagpuan sa silangang bahagi ng Luzon na may lawak na 13 milyong ektarya at hitik sa likas na yaman. (Beth Camia)