Britain Ariana Grande_Luga (1) copy

MANCHESTER, England (Reuters) – Patay ang 23 katao, kabilang ang ilang bata, at 59 na iba pa ang nasugatan nang umatake ang isang suicide bomber sa libu-libong tagahanga na dumagsa sa concert ng U.S. singer na si Ariana Grande sa lungsod ng Manchester sa England kahapon.

Sinabi ni Prime Minister Theresa May na ang insidente ay itinuturing na terrorist attack, at pinakamadugong pag-atake ng mga militante sa Britain simula noong patayin ng apat na British Muslim ang 52 katao sa suicide bombings sa transport system ng London noong Hulyo 2005.

“We are working to establish the full details of what is being treated by the police as an appalling terrorist attack,” pahayag ni May. “All our thoughts are with the victims and the families of those who have been affected.”

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Iniulat ng pulisya na namatay ang salarin sa pagsabog dakong 10:33 ng gabi sa Manchester Arena, na may seating capacity na 21,000.

“We believe, at this stage, the attack last night was conducted by one man,” sabi ni Manchester Chief Constable Ian Hopkins sa reporters. “The priority is to establish whether he was acting alone or as part of a network.

“The attacker... died at the arena. We believe the attacker was carrying an improvised explosive device which he detonated causing this atrocity.”

Ayon sa mga saksi, naganap ang pagsabog pagkatapos itanghal ni Ariana ang kanyang huling awitin.

Kalaunan ay nag-post ng mensahe sa Twitter si Ariana, 23, at humingi ng patawad sa nangyari. “I am so so sorry. I don’t have words,” aniya.

SUICIDE BOMBER?

Wala pang umaako sa pag-atake ngunit inihalintulad ito ng mga opisyal ng U.S. sa coordinated attacks noong Nobyembre 2015 ng mga militanteng Islamist militant sa Bataclan concert hall at iba pang lugar sa Paris, na ikinamatay ng 130 katao.

Nagdiwang naman ang mga tagasuporta ng Islamic State sa social media sa pagsabog at ang ilan ay humikayat ng kaparehong pag-atake sa iba pang lugar.

Itinaas ng Britain ang alert level sa “severe”, ang ikalawang pinakamataas, at nangangahulugan na mataas ang posibilidad ng panibagong pag-atake ng mga militante.

Ang Manchester Arena, ang pinakamalaking indoor arena sa Europe, ay binuksan noong 1995 at popular na concert and sporting venue.