Napatay sa operasyon ng pulisya at militar ang isa sa matataas na opisyal ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) at protégé ng napatay na bomb expert na si Basit Usman matapos mauwi sa sagupaan ang raid sa kanyang bahay sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Chief Supt. Reuben Teodore Sindac, director ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) regional police, na bandang 1:30 ng umaga nang magsilbi sila ng search warrant laban kay Murad Ali sa Barangay Capiton, para sa mga kasong illegal possession of firearms and explosives.

Sinabi ni Maguindanao Police Provincial Office director Senior Supt. Agustin Tello na napatay si Ali nang manlaban ito at pagbabarilin ang mga pulis at sundalo.

Nasamsam sa operasyon ang isang 60mm mortar, isang granada, blasting caps, at iba pang materyales sa paggawa ng pampasabog, isang baril, isang GPS, at isang laptop computer.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang mga nasamsam na materyales ay dinala sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para sa pagpoproseso, habang ibinigay naman sa mga kaanak ang bangkay ni Ali.

Ayon kay Sindac, si Ali ay isang mataas na opisyal ng BIFF na may ranggong personnel at training officer.

“He is a bomb-maker and a protégé of Basit Usman,” ani Sindac. (Aaron B. Recuenco