LIYAMADO si Frank Berin para sa back-to-back championship, ngunit asahan ang mas mabigat na laban kontra sa matitikas na karibal sa pagpalo ng 2017 World Slashers Cup 2 simula sa Mayo 25 sa Araneta Coliseum.

Kabuuang 200 foreign at local entry ang kumpirmadong challenger kay Berin, kampeon sa Slasher 1 nitong Enero, na naghahangad ng kasaysayan sa prestihiyosong torneo.

“It’s a tough task. But I’m ready to defend the title,” pahayag ni Berin sa mensahe via Skype sa isinagawang media conference kahapon sa Novu Hotel sa Araneta Center.

Kabilang sa foreign challenger sina Roger Roberts (Georgia), Tim Fritzgerald (Utah), Greg Saludares, Kini Kalawaii at Butch Cambria (Hawaii), Cesar Ancayan, Rene Medina, Jorge ‘Goy’ Goitia, Mike Formoso at Zaldy Sandoval (California), Richard Harris at Wilbert LeBlanc (Louisiana), Owen Medina at Peter Elm (Guam), Greg Berin at Rene Penalaso (Australia), Bel Almojera (Florida), Matthew Dunne (Alabama) at Soan Sogianto (Indonesia).

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nasa listahan din sina American James at Charles Wolf, Ken Graham, Larry Whitehead at Johnny Moore sa torneo na suportado ng Petron, Thunderbird, Excellence Poultry at Livestock Specialists at Pitgames Media.

Pambato naman na local participants sina Nene Araneta, Rep. Patrick Antonio, Peping Cojuangco, Nestor Vendivil, Doc Ayong Lorenzo, Rey Briones, Gov. Ito Ynares, Jun Sevilla, James Uy, RG Gatchalian, Dicky Lim, Mayor Cito Alberto, Jun Mendoza, Rep. Jose Panganiban, Eric Dela Rosa, Gov. Gerry Boy Espina, Gov. Claude Bautista at Biboy Enriquez.

Magsasagupa muna ang mga kalahok sa 2-cock eliminations sa Mayo 25 at 26 kung saan ang mga makakalusot ay sasagupa para sa 3-cock semifinals sa Mayo 27 at 28.

Para sa may mga puntos na 2, 2.5, 3 at 3.5 mula sa semis ay mapapabilang sa four-cock finals. Ang mga may puntos na 4, 4.5 at 5 ay maglalaban para sa korona.