Canne copy

NAGDUDA ang mga kritiko nang maimbitahan ang Hollywood funnyman na si Adam Sandler sa Cannes, ngunit ang pagganap niya sa all-star na The Meyerowitz Stories ay umani ng mga papuri nitong Linggo -- at malakas din ang usap-usapan sa posibilidad na maiuwi niya ang best actor prize.

Si Adam, madalas pagtawanan sa kanyang slapstick comedies gaya ng Happy Gilmore at Billy Madison, ay gumaganap bilang walang trabahong anak ng isang New York sculptor (Dustin Hoffman) na nagdurusa kapag ikinukumpara sa matagumpay na nakababatang kapatid (Ben Stiller).

Ang pelikula ni Noah Baumbach (When We Were Young) ay umani ng masigabong palakpakan sa press preview bago isinagawa ang red-carpet premiere nito sa nangungunang film festival sa mundo.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Sinabi ng reviewers na ito na ang pinakamahusay na pagganap ni Adam, na lumabas sa mga patok na pelikula ngunit inookray naman ng mga kritiko, simula nang maging nominado siya sa Golden Globe noong 2002 para sa Punch-Drunk Love.

Naglabas ang film industry website na The Wrap ng headline na “Wow, Adam Sandler Might Actually Belong in Cannes” at isinasaad naman ng Indiewire na “it remains hugely frustrating how great Adam Sandler can be when he’s not making Adam Sandler movies.”

Pinuri ng The Guardian si Adam bilang “a formidable screen actor,” at nag-tweet ang Daily Telegraph critic na si Robbie Collin ng: “Kind of love that Adam Sandler is so rarely as great as he is in The Meyerowitz Stories, because when he is it feels so revelatory.”

Natuwa si Adam nang salubungin siya ng palakpakan ng Cannes reporters at pinasalamatan niya si Baumbach sa “amazing script” nito.

“It got me so many times, I was misty-eyed, laughing. I just couldn’t believe we were going to get to do this movie and show this story. I loved it,” aniya.

Sinabi ni Adam na alam niyang isang pagkakataon ang The Meyerowitz Stories na hindi niya dapat palampasin.

“It’s different for a comedian when you get an offer like this and my first thought is, ‘I don’t want to let anybody down,’” ani Adam.

Sa press conference, nagbiro si Ben na “kind of slow” ang unang 30 o 40 pahina ng script hanggang sa lumabas ang kanyang karakter.

Sinabi pa niya na pumayag lamang siyang tanggapin ang papel nang malaman niyang “Dustin Hoffman was auditioning to play the dad,” na labis na ikinatawa ng veteran two-time Oscar winner.

Pinaghahalo ng pelikula ang hilarious set pieces na may starkly emotional scenes ng dysfunctional family na nagsisikap maisaayos ang mga hindi pagkakaunawaan bago pumanaw ang masungit na padre de pamilya.

Sinabi ni Dustin na iginiit ni Baumbach na sumunod ang cast sa kanyang script “word-for-word, whether we like it or not.”

“I think not since The Graduate was I required to say every single word, and it pays off because there is a music to his writing,” aniya, na ang tinutukoy ay ang 1967 movie na nagpasikat sa kanya. “Any of us would work for him for free.”

Tinawag ng kapwa two-time Oscar winner na si Emma Thompson, matindi ang pagpapatawa sa pagganap bilang ang lasenggang ikaapat na asawa Dustin, na ang humor ng pelikula ang pinakamalalim na parte nito.

“It’s funny and then it’s suddenly terribly moving which for me anyway is the most satisfying form of drama that there is,” aniya.

“If it’s not funny I can’t really cope with watching it actually.”

Ang The Meyerowitz Stories ay isa sa 19 na pelikulang maglalaban-laban para sa Palme d’Or top prize sa Cannes, na tatakbo hanggang sa Mayo 28. (AFP)