Pormal nang isinalin noong Sabado ng University of Santo Tomas sa Far Eastern University ang pagiging host ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) sa idinaos na closing ceremony ng UAAP Season 79, sa Plaza Mayor ng UST campus.

At bilang host ng papasok na 80th season, plano ng FEU na ilagay sa spotlight ang women’s volleyball.

Sinabi ni FEU representative sa UAAP board na si Anton Montinola, plano ng liga na magdaos ng tila isang All-Star weekend event sa Mall of Asia Arena para sa dumaraming volleyball fans kung saan magkakaroon ng exhibition game tampok ang lahat ng pinakamahuhusay na women’s volleyball players.

Magsisilbi umano itong isang mid season event, ayon kay Montinola, bago mag-break at simulan ang second semester sa Nobyembre.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“We’re thinking of doing a three-on-three on the activity center of MOA and then we’re thinking of maybe having an All-Star game for women’s volleyball,” ani Montinola.

Inihayag din ni Montinola na plano nilang idagdag ang cheerdance competition para sa high school girls at pagdaros ng beach volleyball at football tournaments sa gabi.