Ni NORA CALDERON

FIRST telefantasya ni Valerie Concepcion ang Mulawin vs Ravena (MVR) kaya na-excite siya nang i-offer sa kanya ang role ni Tuka, na dating ginampanan ni Marissa Sanchez sa unang Mulawin.  Kontrabida pa rin ba siya bilang si Tuka?

Valerie Concepcion
Valerie Concepcion
“Opo,  ambisyosa ako, gusto kong maging reyna, kaya sini-seduce ko ang haring si Daragit, si Tito Roi Vinzon,”  kuwento ni  Valerie sa grand launch ng Mulawin vs Ravena na pilot telecast na mamayang gabi, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA 7. 

“I will be playing Tuka, foster parent ni Lawiswis (Bianca Umali) at daranas sa akin ng hirap si Lawiswis.  No problem naman sa akin kung gumanap na akong mother ng mga teenage stars natin.  Magiging teenager na si Heather Fiona ko sa October, she will turn 13 na.  Si Carla Abellana nga nanay ni Bea Binene dito, saka ang mga Mulawin, hindi sila madaling tumanda.”

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Nang itanong namin ang lovelife ni Valerie ngayon, hindi na niya ipinagkaila na she’s into a relationship kay Francis Sunga, a Filipino who is now an American citizen and works as a court martial sa Guam kaya doon na ito naka-base.  Four month pa lang ang kanilang relasyon, paano iyon, hindi ba mahirap ang long distance relationship?

“Kaya po ako ang madalas pumunta ng Guam para bisitahin siya.  Mahirap kasi sa kanya,  ang work niya 8 AM to 5 PM, Tuesday to Saturday kaya mahirap po sa kanya na siya ang dumalaw sa akin dito.  Pero nagagawa ko iyon noong wala pa po itong MVR.  Kaya ngayon, dumadalaw siya sa akin, once a month.  Nakilala ko siya through a friend, taga-Pampanga siya, may isa rin siyang anak, eight years old, pero hindi rin siya kasal.  Twelve years old pa lamang nasa Guam na sila ng family niya, minsan na silang lumipat sa Sacramento, California, pero bumalik din sila sa Guam.”

Ayaw pang mag-isip si Valerie kung sakaling si Francis na nga ba ang makakatuluyan niya, kung kaya niyang iwanan ang showbiz, dahil mahirap ang long distance relationship.

Papayag ba siyang sa Guam na manirahan? Pabirong sagot ni Valerie, kapag may wedding ring na, saka niya pag-iisipan.  Bago dumating si Francis sa buhay niya, dumaan sa ilang relationships si Valerie, pero walang natuloy sa kasalan.  Kaya ayaw niyang umasa hanggang hindi pa talaga formal ang lahat. 

“Pinag-iisipan ko na rin po ‘yon dahil hindi na rin naman ako bumabata.  I’m already 29 na,” nakangiting pagtatapos ni Valerie.