Napatunayan ng 2017 World Pitmasters Cup2 (Fiesta Edition) 9-Cock International Derby ang bansag na “pinaka-matinding labanan” sa buong mundo at natapos na may tatlong grupo na umiskor ng 8 puntos para paghatian ang karangalan at kampeonato sa harap ng punong-puno na Newport Performing Arts Theatre sa Resorts World Manila sa Pasay City nitong Sabado.

Si Jojo Cruz (J & B Kaingin) ng Bulacan ang naunang nag-kampeon na sinundan naman ni Hermin Teves at ng kanyang ama na si Baby (RJM HVT HT# Tiki Bar – Sandbar) ng Dumaguete. Ang grupo naman nina Ed Lumayag, Larry Rubinos at ng Joey Salangsang (Polomolok Sports Complex) ang kumumpleto sa tatlo.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nalaglag ang pang huling laban para sana makibahagi sa korona ang entries nina Anthony Lim (Lucban 2), ang kasalukuyang world champion na si Frank Berin at Mayor Jay Diaz (May 26 5-Cock sa City of Ilagan ICOCA), at Mayor Nene Aguilar (Super Striker AAO) na nagtapos ng may tig-7 puntos.

Si PFGB-Digmaan Chairman Nestor Vendivil ang pinaka-consistent ang 2 entries, Oliver & Oliver 1 ay parehong nagtapos na may tig-7 puntos.

Mayroon ding 7-puntos ang Noisy Boys ng Guam (D Noisy Boys), RJ Mea (DMM RJM Tiaong-1), Mayor Cito Alberto (RJM-HVT-HT3-Why Noy-Allegre) at Zara Star (Gerry Ramos).

Si Atong Ang (AA Cobra 3) ang solong pumangalawa na may 7.5 puntos.

Ang malaking pasabong na ito ay nangyari sa pamumuno parin nina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, Gov. Eddiebong Plaza at RJ Mea, sa pakikipagtulungan nina Lando Luzong at Eric dela Rosa.

Sa kapahintulutan ng Games & Amusements Board, sa pamumuno ni Chairman Baham Mitra, ang makasaysayang pasabong na ito ay ihahatid sa pamamagitan ng mga nangungunang sponsor na Thunderbird Platinum at Resorts World Manila.

Samantala, inanunsiyo na rin ang bagong pasabong na international stag derby na kaabang-abang din at gaganapin sa Resorts World Manila, sa Setyembre at tatawagin itong 2017 World Pitmasters Cup (Master Breeders Edition) 9-Stag International Derby na may P15 milyon na papremyo.