Nagpakita ng lakas sa laban sina World Games qualifier Amaya Paz Cojuangco at Flor Matan ngunit kinapos pa rin sa Round of 16 matches ng World Archery Cup sa Shanghai, China.

Natalo ng isang puntos sa women’s compound ang 28th seed na si Paz-Cojuangco,143-144, kay 5th seed Gizem Elma-agacli ng Turkey.

Nauna rito, nagapi ni Paz-Cojuangco ang 2013 World Championship silver medalist na si Martine Couwenberg ng Netherlands sa shoot-off.

Sa men’s compound, naunang nakapagtala ang 58th seed na si Matan ng dalawang upsets, una laban kay Taiwanese Peng Shi Cheng, 6-4 sumunod laban kay 10th seed Alexander Kozhin ng Russia, isang European Champion at World Indoor silver winner,6-5, sa isa ring shoot off.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ngunit ang panalo ni Matan ay pinutol ni 23rd seed at World Cup bronze medalist Klimitchek Collin of the United States, nang gapiin siya ng huli sa iskor na 6-2.

Samantala, ang 13th seeded Philippine team na binubuo nina Kareel Hongitan, Nicole Tagle at Pia Bidaure ay bigo rin sa 4th seed China, 2-6, sa first round ng women’s recurve team competition.

Natalo rin ang 14th seeded squad nina Cojuangco, Jennifer Chan,at Kim Concepcion sa 3rd seed Denmark, 213-240, sa opener ng women’s compound team event.