Inihayag ng Malacañang ang double digit na paglago sa personal remittance ng mga overseas Filipino worker (OFW) nitong Marso gayundin ang magandang ani ng mga magsasaka sa first quarter ng taon.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na tumaas ang personal remittance ng mga OFW ng 11.8 porsiyento sa $2.9 bilyon nitong Marso, 2017.

“This reflects the 8.1-percent increase on the total personal remittances for the first quarter of 2017 amounting to $7.7 billion,” ani Abella.

Ayon kay Abella, binibigyang diin nito ang malakas na demand sa skills at competence ng mga manggagagawang Pinoy.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Pinuri rin ni Abella ang pagtaas sa agricultural production ng 5.28% sa first quarter ng 2017. Bumawi ito mula sa mahinang performance sa fourth quarter ng 2016.

“The Philippine agriculture performance increased by 5.28 percent, recovering from a contraction in the fourth quarter of last year by -1.11 percent,” ani Abella.

Nakatulong aniya ang paborableng klima, tamang pag-aabono, pagkakaroon ng irigasyon at sapat na ulan sa pagtaas ng ani.

“[The government] will continue to boost increase infrastructure spending to support the agricultural sector,” banggit niya.

Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na magbubuhos ng P3 trilyon sa infrastructure projects upang magkaroon ng mga kalsada na magpapadali sa pagbibiyahe ng mga produkto ng mga magsasaka. - Argyll Cyrus B. Geducos