Untitled-1 copy copy

3-pointer ni Bradley, nagpatiklop sa Cavs.

CLEVELAND (AP) — Wala sa kanilang teritoryo. Wala rin ang star player na si Isaiah Thomas. Ngunit, nananatili ang ‘Celtic pride’.

Tumalbog muna ng apat na ulit sa ibabaw ng rim ang three-point shot ni Avery Bradley bago bumuslo may 0.7 ng nalalabi para sandigan ang Boston Celtics sa kagulat-gulat na 111-108 panalo kontra sa Cleveland Cavaliers nitong Linggo (Lunes sa Manila) sa Game 3 ng NBA Eastern Conference finals.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Natukldukan nito ang matikas na pagbalikwas ng Celtics, ipinapalagay na mawawalis sa serye matapos ang magkasunod na blowyout sa Garden at pagka-injury ni Thomas, mula sa 21 puntos na paghahabol sa third period para tapusin ang 13-game postseason winning streak ng Cavs.

“We have guys who have chips on their shoulders,” pahayag ni Boston coach Brad Stevens. “We knew that Friday (Game 2) was a disaster. It wasn’t worth all four. It was worth one. So we got back together.”

Naitala ni Marcus Smart, humalili kay Thomas, nang pitong three-pointer para sa kabuuang 27 puntos, habang kumubra si Bradley ng 20 puntos para sa Celtics.

“Everybody had to step up their game tonight especially with one of our brothers down,” pahayag ni Smart. “Our love and support goes out to Isaiah. We wish he could be here but we understand. We just kept fighting. Everybody did their part.”

Nanguna si Kyrie Irving sa Cavs sa naiskor na 29 puntos, habang umiskor si Kevin Love ng 21. Bumagsak ang Cleveland sa 10-1 sa postseason. Huling nakatikim ng kabiguan ang Cavs sa Game 4 ng nakalaipas na Finals.

Host muli ang Cleveland sa Quicken Loans Arena sa Game 4 sa Martes (Miyerkules sa Manila.

Naitala ni LeBron James ang pinakamasaklap na opensa sa matikas na postseason career, sa naisalansan niyang 11 puntos at anim na turnovers.

“I didn’t have it,” pahayag ni James, nakasagutan ang ilang fans na na walang humpay na bumtikos sa kanyang laro.

“You let a team like that grab momentum you almost knew a shot like that was going in.”

Sa kabila ng maalat na opensa ni James, nagawang makaabante ng Cavs sa 77-56 , sa third period, tampok ang 14 na three-pointer. Ngunit, nagkalat ang Cavs sa final period.

“We decided were going to go out and play hard, swinging.” Sambit ni Bradley. “We never counted ourselves out.”

Nagtabla ang iskor sa 95-all mula sa three-pointer ni Smart, bago tuluyang naagaw ang bentahe sa 108-106 mula sa jumper ni Jonas Jerebko my 30 segundo sa laro.

Bumawi si Irving sa driving lay-up para maitabla ang iskor may 10.7 segundo ang natitira para sa huling opensa ng Boston. Mula sa time-out ng Boston, naisagawa ng Celtics ang play ni coach Stevens para makatira si Bradley sa three-point area.

“I’m kind of glad it happened the way it did,” pahayag ni James. “We have to play a lot better. I feel some adversity is part of the postseason. If it’s going to happen, let it happen now. Let’s regroup and get back to playing desperate basketball, which they did tonight. We’ve got to be a lot better for sure.”