Dennis copy

ANG FPJ’s Ang Probinsyano ang makakatapat ng Mulawin vs Ravena na pinagbibidahan ni Dennis Trillo at maganda ang sinabi ni Dennis sa pagtatapat ng shows nila ni Coco Martin.

“Natutuwa ako na ang makakatapat namin ay isa sa top-rating show ng ABS-CBN. Masaya ako, magandang challenge sa amin ito at sa two networks, healthy competition lang ito. Naka-establish na ang Probinsyano, pero may tiwala naman kami sa show namin at sa mga taong nasa likod ng Mulawin vs Ravena. Maganda na Filipino produced shows ang mapapanood ng televiewers,” sabi ni Dennis.

Dagdag pa ni Dennis, “Bilib ako sa career path ni Coco at bilib ako sa mga accomplishment niya at hanga ako sa kanya bilang artista. Nabalitaan ko, magdidirek na rin siya, mahal niya ang ginagawa niya.”

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ngayong gabi na ang lipad ng Mulawin vs Ravena kaya tiyak na marami ang mag-aabang kung mapapantayan ni Dennis ang laging mataas na rating ng Probinsyano. 

Eexcited na si Dennis na mapanood ang pilot episode nang buo at hindi teaser o trailer lang. Focus muna ang aktor sa fantaserye kaya ayaw niyang sabayan ng paggawa ng pelikula habang hindi pa tapos ang fantaserye.

“Ayaw ko kasing nahahati ang atensiyon ko at umiiwas ako sa stress at pagod. Nakakahiya rin sa mga kasama ko kung halimbawa mali-late ako sa taping dahil puyat o kaya’y pagod ako sa shooting. Tapusin ko muna ang Mulawin vs Ravena bago ako gumawa uli ng pelikula. May binabasa na akong script ng isang indie film, Hubog ng Langit ang title, maganda siya, kakaiba ang story. Tingnan natin kung magagawa natin,” ayon kay Dennis.

Kaya lang, mukhang matagal bago magawa ni Dennis ang indie film dahil nabanggit ni Regine Velasquez na ang role niyang si Sandawa ay hanggang September ang labas. Ibig sabihin, magtatagal ang airing ng Mulawin vs. Ravena at kung mai-extend, mas magtatagal pa ito sa ere.

Si Dennis ay si Gabriel sa Mulawin vs Ravena at kung i-describe ang karakter, evil king siya ng mga Ravena. Tao siya na nag-transform sa taong-ibon nang saksakin ang sarili ng ugat pak. First time na bida-kontrabida ang aktor sa role na ginagampanan.