Tinanghal na UAAP Season 79 Athletes of the Year sina swimmer Alberto Batungbacal ng Ateneo de Manila University at softball player Angelie Ursabia ng Adamson University sa ginanap na closing rites sa University of Santo Tomas campus, nitong Sabado ng gabi.

Si Batungbacal ay nagwagi at nagtala ng mga bagong meet records sa 200-meter breaststroke, 100 meter breastroke at 400 meter individual medley bukod sa pagwawagi ng gold sa 1500 meter freestyle na naging susi upang magwagi siya bilang Most Valuable Player sa swimming, habang si Ursabia ang namuno para sa Lady Falcons kontra UST Tigresses sa softball finals sa kanyang final year at tinanghal ding season MVP honors bukod sa pag-uuwi ng iba pang karangalan na Most Homeruns at Best Slugger.

Naging bahagi rin siya ng Philippine Blu Girls noong nakaraang taon sa World Cup of Softball XI sa Oklahoma City at World Women’s Softball Championships sa Surrey, Canada.

“Sobrang saya kasi iyong pinaghirapan ko may kapalit lahat,”pahayag ni Ursabia. “Last playing year ko na ito. First time ko makatanggap ng award na ito.”

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

“Pinagdaan ng team ko sobrang hirap. Hindi madaling kalabanin yung mga school,” dagdag niya.”Sinabi sa akin ni coach na dream come true.”

Napili naman sina swimmer Nikki Pamintuan ng De La Salle-Zobel at Lawrence Cruz ng National University Bullpups volleyball team bilang top athletes sa juniors division.

“Iba iyong feeling na athlete of the year ka overall sa UAAP. Iba iyong UAAP, kasi sobrang laki niya,” pahayag ni Pamintuan.

“Sobrang blessed ko na ako ang athlete of the year. First athlete of the year ko ito,” dagdag nito. “Marami ako pinagdaanan bago ko nakuha ito kasi sa UAAP, may school pa so patong-patong. May school work, training at family pa.”

Binigyang parangal din ng UAAP ang kanilang mga athlete scholars na kinabibilangan nina Rhia Gaite ng Adamson basketball, Patricia Sarmiento ng Ateneo fencing, Michael del Prado ng De La Salle track and field, Janelle Mae Frayna ng FEU chess, Michael Minuluan ng NU badminton, Nathaniel Perez ng University of the East fencing, Jose San Juan ng UP baseball at Noelito Jose, Jr. ng UST fencing para sa seniors division.

Kasama nilang binigyan ng kaukulang pagkilala sina Jay Ancheta (Adamson), Philip Santos (Ateneo), Sacho Ilustre (De La Salle-Zobel), Marvin Miciano (FEU-Diliman), Faith Nisperos (NU), Samantha Catantan (UE), Zoe Hilario (UP Integrated School) at Ronalyn Lalimo (UST) para naman sa high school division. - Marivic Awitan