SINABI ng asawa ng Soundgarden frontman na si Chris Cornell na hindi siya naniniwalang sinadyang magpakamatay ng singer, at nagpahiwatig na maaaring ang anxiety drugs na iniinom nito ang naging dahilan ng sinasabing suicide.

Natagpuang patay si Chris, 52, sa banyo ng kanyang hotel sa Detroit nitong nakaraang linggo ng gabi pagkatapos magtanghal ng concert ang grunge band sa lungsod. Sinabi ng Wayne County Medical Examiner na namatay ang rocker sa pamamagitan ng pagbigti.

“What happened is inexplicable, and I am hopeful that further medical reports will provide additional details,” sabi ni Vicky Cornell sa isang pahayag nitong Biyernes. “I know that he loved our children, and he would not hurt them by intentionally taking his own life.”

Ayon kay Vicky, umiinom si Chris, recovering addict, ng prescription drug na Ativan para lunasan ang anxiety at insomnia. Isa sa mga isinasaad na side effects nito ang maaaring paglubha ng depression at magdulot ng impaired judgment.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Sinabi ni Kirk Pasich, abogado ng pamilya, na hindi sila komportable sa pahayag na si Chris “knowingly and intentionally took his life” gayong wala pa ang mga resulta ng toxicology tests.

“The family believes that if Chris took his life, he did not know what he was doing, and that drugs or other substances may have affected his actions,” ani Pasich.

Sinabi ng Pfizer Inc, ang gumagawa ng Ativan, na hindi ito nagbebenta ng branded o generic versions ng droga sa United States, na ang Valeant Pharmaceuticals International Inc ang may hawak sa product rights. Wala pang komento ang Valeant tungkol dito.

Naging bukas si Chris sa pagtalakay sa kanyang drug at alcohol addiction noon, at tungkol sa mga panahong nagkaroon siya ng depression at agoraphobia.

Sinabi ni Vicky na hiniling niya sa security na tingnan ang kanyang asawa noong Miyerkules ng gabi nang makausap niya ito bago isinagawa ang concert at pagkatapos.

“I noticed he was slurring his words; he was different... ,” she aniya. “He told me he may have taken an extra Ativan or two.”

Isang private funeral service sa Hollywood Forever Cemetery sa Biyernes ang nakaplano para kay Chris.

Nagluksa ang music industry sa pagkamatay ni Chris sa gitna ng kanilang U.S. tour.

Ang Soundgarden ay isa sa nangungunang banda sa grunge music movement noong 1980s at ‘90s, naglabas ng mga album gaya ng Badmotorfinger at ang Grammy-winning na Superunknown, na nagdala sa grupo sa mainstream success. (Reuters)