Gawin na lamang basurahan o tambakan ang mga abandonadong minahan (open-pit mines) na bunga ng iresponsableng pagmimina. Ito ang suhestiyon ni Samar Congressman Edgar Sarmiento.

Sa halip aniya na panay ang reklamo tungkol sa mga abandonang minahan ay makabubuting gawin na lamang “garbage pits or sanitary landfills” ang mga ito.

Ayon kay Sarmiento, kinausap niya si Environment Secretary Roy Cimatu at sumang-ayon naman ito sa kanyang panukala na makatutulong sa pagresolba sa problema ng gobyerno tungkol sa panganib na idudulot ng mga abandonadong minahan sa kabundukan at kawalan ng “solid waste disposal facilities.” - Bert De Guzman

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal