UNITED NATIONS (AFP) – Mahigit 31 milyong katao ang umalis sa kanilang mga sariling bansa dahil sa mga kaguluhan, karahasan at kalamidad noong 2016, at nangunguna ang China at Democratic Republic of Congo sa pinakamatinding naapektuhan, ayon sa bagong ulat na inilabas ng isang monitoring center kahapon.

Tumaas ang bilang ng mga bagong likas sa Democratic Republic of Congo ng 922,000 dahil sa mga kaguluhan noong nakaraang taon, mas marami kaysa Syria na mayroong 824,000 at Iraq na may 659,000, ayon sa Internal Displacement Monitoring Center of the Norwegian Refugee Council (NRC).

Triple ang itinataboy na tao ng mga kalamidad kaysa mga digmaan. May 24 milyong katao ang naapektuhan ng biglaang pagbabago ng panahon na nagdudulot ng mga baha, bagyo, wildfire at matinding taglamig.

Nangunguna sa listahan ang China sa 7.4 milyong katao na naitaboy sa kanilang mga tirahan, sinusundan ng Pilipinas (5.9-M), India (2.4-M) at Indonesia (1.2-M).

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Inaasahang tataas pa ang mga paglikas na ito sa hinaharap bunga ng paglala ng epekto ng climate change, saad sa ulat.

Sinabi ni Jan Egeland, pinuno ng NRC, na ipinakikita ng nakakagulat na bilang na kailangang higit na pagtuunan ang

mga taong umalis sa kanilang mga tirahan sa loob ng kanilang mga bansa kaysa mga refugee, na tumatawid sa mga hangganan.

‘’Internally displaced people now outnumber refugees by two to one. It is urgent to put internal displacement back on the global agenda,’’ sabi ni Egeland.

Ang Afghanistan ang pang-apat sa dami ng mamamayang lumikas sa kanilang mga tirahan dulot ng digmaan sa 653,000, sinusundan ng Nigeria na may 501,000 at Yemen na may 478,000.

Sa 6.9 milyong katao na itinaboy mula sa kanilang mga tirahan dahil sa mga kaguluhan, 2.6 milyon ang naninirahan sa sub-Saharan Africa.

Natabunan ang isyu ng internal displacement sa kasalukuyang pagtutok ng mundo sa mga refugee at migrant, sinabi ng monitoring centre.

Mas maraming tulong ang ibinuhos noong nakaraang taon sa refugee resettlement kaysa mga bansa kung saan nagsimula ang mga krisis, dagdag nito.

Mayroong kabuuang 40.3 milyong katao ang nawalan ng tirahan dahil sa kaguluhan at karahasan sa kanilang mga bansa sa pagtatapos ng 2016 –halos doble ang bilang na ito simula 2000 at matindi ang pagtaas kaysa nakalipas na taon.