PARA kay Val Kilmer, malaki ang naitulong ng kanyang debosyon sa Christian Science para gumaling siya sa sakit na kanser.

Inamin ng aktor na mayroon siyang oral cancer nitong nakaraang Abril at nitong Martes, sa question and answer session sa Reddit website, inihayag niya na ang kanyang pananampalataya sa Kritiyanismo ang nakatulong para malagpasan niya ang sakit.

“I am very grateful for all the prayers and good thoughts from around the world,” sagot niya sa isang Reddit user na nagtangong tungkol sa recovery niya.

Sinabi pa ng 57-anyos na aktor na siya ay Christian Scientist na umaasa sa kapangyarihan ng dasal para gumaling.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

“People that know I am a Christian Scientist make the assumption that I have somehow endangered myself,” saad niya.

“But many many people have been healed by prayer throughout recorded history. And many many people have died by whatever was modern medicine.”

Lumabas ang mga balitang may sakit si Val noong Oktubre matapos ni Michael Douglas sa mga mamamahayag na nakikipaglaban ang kanyang dating co-star sa oral cancer, na nilabanan at napagtagumpayan niya noong 2013.

“Val is dealing with exactly what I had and things don’t look too good for him,” sabi ni Michael. “My prayers are with him. That’s why you haven’t heard too much from Val lately.”

Inamin ni Val kalaunan sa isang panayam nitong Abril na totoo ang balita. “I did have a healing of cancer,” aniya.

Sa Reddit interview nitong Martes, ibinahagi ng bituin ang naging karanasan niya nang makilala ang isang lalaki na nag-imbento ng defibrillator, isang gamit sa ospital na tumutulong sa mga pasyente upang maging normal ang tibok ng puso matapos dumanas ng cardiac arrest.

“I asked him what was the most important thing for a doctor to do when a patient fears for their life,” pagbabahagi ni Val. “He started to weep without his voice wavering and he leaned into me and said, ‘Fluff their pillow. That’s what I tell all the interns. LOVE. Love heals. More than any other skills, I urge them to LOVE the life they are entrusted to save’.”

Sinabi rin ni Val na isang malaking susi sa kanyang paggaling ang panalangin nang maospital siya noong 2015 dahil sa tumour.

“It was an unspeakable sense of universal support while I was briefly in the hospital,” saad niya. “Even 2 of my doctors mentioned praying with me, for me.”

Bagamat bukas sa pagtalakay sa kanyang religious views, inamin niya na ang mga batikos ang nagtulak sa kanya upang paminsan-minsan ay sarilinin na lamang ang kanyang mga paniniwala.

“Sometimes people are surprisingly mean about this sort of talk,” paliwanag niya. “Maybe they mix it up in their minds with extremists. People screaming with signs in front of Planned Parenthood or something. That’s not my sense of Christianity.” (Cover Media)