ARIEL CHRISTIAN JINKY JOEY AT HAJJI copy

SA mga hindi nakapanood ng naging usap-usapang #LoveThrowback last Valentine season, magkakaroon ng repeat concert ang ating Original Pilipino Music (OPM) icons sa PICC Plenary Hall sa May 27.

Ang magpi-perform ay sina Ariel Rivera, Christian Bautista, Joey Generoso, Nina, Jinky Vidal at Haji Alejandro.

Sa presscon para sa nasabing concert, nagbahagi sila ng kanilang mga obserbasyon at hinaing sa malaking pagbabago sa bumabang kalidad ng OPM ngayon.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ang kakulangan ng venue ang pinuna ni Christian Bautista.

“Mas maraming platform and venues sana ng mga performers, kasi sa ASAP ka na lang makakapanood ng kumbaga concert style na napagsasama-sama ‘yung mga performers in one stage,” sabi ng singer/actor.

Nais namang maibalik ni Jinky Vidal ang kalidad ng mga tagos sa pusong musika.

“The way the song is written now is so repetitive, parang walang masyadong mensahe or bigat ‘yung mga kanta. Siguro sa mga songwriters today huwag natin bitawan ‘yung pinanghahawakan na important message at the same time huwag sana mawala ang sariling tunog ng OPM,” obserbasyon at suhestiyon ni Jinky.

Para naman sa lead vocalist ng Side A Band na si Joey Generoso, “Siguro ang biggest frustration ko kung paano pa kaya mababalik ‘yung OPM noon sa ngayon, kasi ngayon computerized na lahat. In an instant p’wede na gumawa ng lyrics.”

Si Hajji Alejandro, ang pagsasama ng luma at makabagong paraan ang nakikitang paraan upang muling umusbong ang OPM.

“Hindi frustration, siguro observation lang. Iba talaga ang gawa ng composers before sa ngayon, noon even without the music lyrics pa lang ng awitin poetry na and maa-appreciate mo agad.”

Nag-wish din si Hajji na sana ay magkaroon ng mga bagong composer na susunod sa mga yapak nina Willie Cruz at George Canseco.

“Sana mapalitan sila (Willie at George) ng mga new breed of songwriter and composer na na-inspire sa words nila na in their own way sa makabagong paraan and mailabas ‘yung tunay na message ng isang kanta,” pahayag ng OPM icon.

Ayon sa direktor ng #Throwback2 na si Calvin Neria, magmimistulang OPM fiesta ang kanilang concert sa Sabado.

Kakantahin nina Hajji, Joey, Nina, Jinky, Christian at Ariel ang kani-kaniyang hits. (ADOR SALUTA)