Nalagutan ng hininga ang umano’y drug pusher makaraang makipagbarilan sa mga pulis habang inaresto ang live-in partner nito at isa pa, sa anti-drug operation sa Caloocan City nitong Biyernes.

Dead on the spot ang suspek na si Reiner Legazpi, 28, ng Block 56, Lot 12, Barangay 88, Tala, dahil sa mga tama ng bala ng iba’t ibang kalibre ng baril sa katawan.

Matapos ang engkuwentro, inaresto ang kanyang kinakasama na si Avilin Ali, 18, at kasama niyang si Majid Avidin, 35.

Sa report kay Police Sr. Supt. Chito Bersaluna, hepe ng Caloocan Police, bandang 3:00 ng hapon ay nakatanggap ng tawag ang Police Community Precinct (PCP) 4 at isiniwalat ang lantarang pagbebenta ng shabu ng mga suspek sa Bgy. 88, Tala.

Atty. Claire Castro, wala sa hinagap maging PCO Undersecretary

Sa pamumuno ni Chief Insp. Timothy Aniway, hindi na nag-aksaya ng oras ang mga pulis at nang masilayan sila ni Legazpi ay agad silang pinaputukan ngunit hindi umubra ang bilis ng suspek.

Narekober mula kay Legazpi ang isang cal. 38 na baril, sumpak at dalawang pakete ng umano’y shabu. (Orly L. Barcala)