Yumukod sina Kareel Hongitan at Flor Matan sa nakatunggaling Olympic Champion at World Record holder South Korean archers sa Olympic Round ng World Archery Cup sa Shanghai, China.

Ang 16th seeded tandem nina Hongitan at Matan ay nabigo sa mahigpit na Round of 16 match kontra kina Rio Olympic gold medalist Chang Hye Jin at World record holder Kim Woojin ng South Korea, 5-1.

Sa set scoring knockout round, tumabla ang mga Pinoy sa first set sa iskor na 39-all, bago matalo sa second , 35-38 gayundin sa last set, 35-36.

Sa individual competition, bigo rin ang 32nd seed na si Hongitan na duplikahin ang kanyang dating 9th place finish makaraang mabigo sa Malaysian archer na si Shin Hui Loke, 0-6.gayundin si Mary Queen Ybanez laban naman kay Fanxu Meng ng China sa parehas na resulta.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nagwagi naman ang Youth Olympic Game hopeful na si Nicole Tagle kay 59th seed Belinda Maxworthy ng Australia,6-4, ngunit natalo kay 11th seed Gulnas Coskun ng Turkey, 1-7 sa second round.

Nagwagi rin sa una niyang laro si Pia Bidaure laban kay 56th seed Anna Missione ng US sa pamamagitan ng shootoff, 6-5 bago natalo kay 9th seed Lan Lu ng China, 0-6.

Samantala sa men’s compound, namayani si 2014 Incheon Asian Games bronze medalist Paul dela Cruz laban kay Ayutthaya Itsa-rangkun ng Thailand, 144-134, ngunit nabigo kay 14th seed Sergio Pagni ng Italy sa the second round 144-139.

Talo rin si Niron Concepcion kay Russian Viktor Kalashnkov, 134-144, sampu ng baguhang si Joseph Vicencio na nagtamo ng 142-146 pagkabigo kay Samet Yacali ng Turkey.

May 300 archers na kinabibilangan ng mga Olympic at World Champions ang lumahok sa first leg na ito ng 2017 World Cup.