page 15 pba photo copy

Mga laro ngayon

MOA Arena

4:30 p.m. Mahindra vs. Phoenix

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

6:45 p.m. San Miguel Beer vs. Barangay Ginebra

Ganap na nakasiguro ng playoff slot kasunod ng naging panalo kontra NLEX noong nakaraang Biyernes, patatatagin ng San Miguel Beer ang kapit sa liderato sa pakikipagtipan nito sa kanilang sister team at crowd favorite Barangay Ginebra ngayong gabi sa pagpapatuloy ng 2017 PBA Commissioner,s Cup sa MOA Arena sa Pasay City.

Magtutuos ang magkapatid na koponan ngayong 6:45 ng gabi matapos ang unang salpukan sa pagitan ng Mahindra at Phoenix ganap na 4:30 ng hapon.

Taliwas sa naging kapalaran ng Beermen, bigo naman ang Kings na makamit ang asam na playoff berth matapos silang talunin ng Rain or Shine Elasto Painters, 118-112, na pumutol din sa kanilang naitalang 5-game winning streak noong Biyernes ng gabi, sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Hawak ang barahang 6-1, panalo-talo, muling sasandigan ni coach Leo Austria ang masipag na import na si Charles Rhodes katulong si reigning MVP Junemar Fajardo na ipinakita ang kanyang propesyunalismo nang maglaro din siya para sa Beermen noong Biyernes kahit kagagaling pa lamang nito sa stint sa Gilas Pilipinas sa katatapos na SEABA Men’s Championships noong Huwebes ng gabi.

“Kailangan kasing makabalik agad at makapag-adjust kasi malalakas pa ng kalaban namin. Andyan pa yung Ginebra at Alaska,” pahayag ni Fajardo. ”Nakakapanibago kasi ang laro sa SEABA mabilis, dito set-up.”

Tiyak na magiging maigting ang laban sa pagitan ng Beermen at ng Kings na siguradong magkukumahog na makabangon mula sa natamong kabiguan sa nakaraaan nilang laban na nagbaba sa kanila sa ikatlong posisyon taglay ang markang 5-2, panalo-talo, dalawang panalo ang pagkakaiwan sa pumapangalawang Star Hotshots at Meralco, na kapwa may barahang 7-2, sa pamumuno ni import Justin Brownlee at Gilas player Japeth Aguilar.

Sa unang laro, mas patatatagin naman ng Phoenix Fuel Masters ang kapit sa ikawalong posisyon para sa tsansang makausad sa playoff round kontra Mahindra (2-7), na nasa must in situation sa nalalabi nitong dalawang laro sa eliminations, upang patuloy na buhayin ang gahiblang tsansa na umabot sa huling playoff spot. (Marivic Awitan)