Nagwagi ang guest team na National University girls squad bilang women’s champion sa katatapos na National Inter-Collegiate Volleyball Championship (3rd Pedro R. Mendoza Jr. Memorial Cup), na ginanap sa University of the Cordilleras sa Baguio City.

Winalis ng NU Lady Bullpups ang lahat ng kanilang laro sa limang araw na kompetisyon na inorganisa ng Philippine Volleyball Federation (PVF).

Tinalo ng NU sa finals ang NCAA champion Arellano University Lady Chiefs, 25-23, 25-20, 25-18.

Tumapos namang pangatlo ang University of Baguio habang pumangatlo naman ang Lyceum of the Philippines University (Manila).

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Tinanghal na Most Valuable Player si UAAP Season 79 MVP Faith Nisperos habang nagwagi naman bilang Best Coach si Raymund Castillo.

Tatlo pang NU players ng nagwagi ng individual awards sa katauhan nina Mikaela Belen (best opposite attacker), Joyme Cagande (best setter), at Princess Anne Robles (first best outside hitter).

Kasama nilang pinarangalan sina Cherilyn Sindayen ng Lyceum (best server); Cherry Buemia ng Adamson (best libero), Andrea Marzan ng Arellano (first best middle blocker) at kakamping si Jovie Prado (second best outside hitter); at University of Baguio player Carmela Dicksin (second best middle blocker).

Sa men’s division, tinanghal naman si John Philip Yude bilang Most Valuable Player matapos pamunuan ang Adamson University sa kampeonato.

Nahirang naman ang kanilang mentor na si Domingo Custodio bilang Best Coach.

Tinalo nila sa finals ang National College of Business and Arts (NCBA) habang pumangatlo naman sa kanila ang Mapua Institute of Technology (MIT).

Ang iba pang men’s individual awardees ay sina Rence Melgar ng Admon (best libero), Paolo Pablico (first best middle blocker), George Labang (best opposite attacker) at Leo Miranda (first best outside hitter); Rudolph Mariñas (best server); Daryl Valenzuela (second best middle blocker), Lee Jumbo Nidua (best hitter); at Alfredo Pagulong (second best outside hitter) (PNA)